liza-copy-copy

NAG-AGREE si Miss Universe Pia Wurtzbach kay Jonas Mercator na beauty queen material si Liza Soberano. 

Ipinost ni Jonas sa Instagram ang picture ni Liza katabi ng picture ni Miss Universe 2002 Oxana Fedorova.

Caption ni Jonas: “Miss Universe 2002 Oxana Fedorova (dethroned but still one of the most beautiful winners of the pageant aside from my love Pia) has a resemblance to the very beautiful @lizasoberano.”

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Nag-comment si Pia ng “I agree! She really has the beauty for it. She doesn’t even need to try! Natural.” 

Sagot ni Jonas, “Parang nung una kita nakita @piawurtzbach.”

Dahil dito, marami ang nakikiusap kay Jonas na kumbinsihin si Liza na sumali sa Bb. Pilipinas para maging Miss Universe. 

Si Jonas na rin daw at ang Aces & Queens nito ang magbigay ng training kay Liza on her way to becoming a beauty queen.

Anyway, may hang-over pa ang Pilipinas sa sobrang ganda ni Liza sa Star Magic Ball. Nakakatuwa ang sinabi ni Pokwang na siguradong sa Star Magic 2018, marami ang gagaya sa gown ni Liza na may bulsa at rarampa ang Star Magic talents na nakapamulsa. (NITZ MIRALLES)