TIMELY ang challenge ngayon ng first-ever interactive rom-com series ng GMA na Usapang Real Love (URL). Inaanyayahan nito ang kalalakihan na mag-submit ng kanilang video entries na nagpapakita kung paano ba magtapat ng pag-ibig sa babaeng minamahal nila.
Kaya maraming viewers ang excited sa masasaksihang episode sa Linggo dahil mapapanood din ang cute love story nina Ella at Eugene sa “Perfect Fit” episode ng URL.
Kung gusto ninyong makita ang inyong sarili sa TV, ipadala na ang inyong video entry through Facebook or i-tweet o i-post ang video sa Twitter o Instagram at i-tag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #MagpaFANSin. Ang mapipiling video entry ay isasama sa episode at mapapanood sa TV.