ROME (AP) – Niyanig ng dalawang malalakas na aftershocks ang central Italy nitong Miyerkules ng gabi. Nasira ang mga simbahan at gusali, natumba ang mga poste ng kuryente, at tarantang nagtakbuhan sa lansangan ang mga residente habang umuulan. Nangyari ito dalawang buwan matapos ang malakas na lindol na ikinamatay ng halos 300 katao sa rehiyon ng Umbria at Le Marche.

Wala pang iniulat na seryosong nasaktan o pahiwatig ng mga taong naipit sa ilalim ng mga guho, sinabi ni Fabrizio Curcio, pinuno ng civil protection agency ng Italy.

Isang 73-anyos na lalaki ang namatay sa atake sa puso, habang lumilindol, iniulat ng ANSA news agency.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina