Nais ng House leader na taasan ang ibinibigay na honorarium at Christmas bonus ng mga opisyal at miyembro ng barangay.

Itinulak sa Kamara ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu ang House Bill 467, na naglalayong amiyendahan ang Section 393 ng Republic Act 7160, o Local Government Code of 1991.

“Barangays really have active participation in political and economic activities of our country. Henceforth, we cannot just take for granted the significant role of barangays in our society,” ayon kay Abu.

Sa kanyang panukala, nais ni Abu na itaas sa P5,000 ang monthly honorarium ng barangay captains mula sa P1,000; P3,000 sa sangguniang barangay members at treasurer mula sa P600; at P2,000 naman para sa mga barangay tanod.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sa ilalim naman ng HB 467, bibigyan ng P2,000 Christmas bonus ang mga ito, mula sa P1,000. (Charissa M. Luci)