Pipilitin ni WBO super bantamweight champion Nonito Donaire na maidepensa ang titulo kay mandatory challenger Jessie Magdaleno para hamunin ang mananalo sa rematch nina WBA featherweight champion Carl Frampton ng United Kingdom at Mexican Leo Sta. Cruz.

Magharap sina Donaire at Magdaleno sa main undercard ng paghamon ni eight-division world titlist Manny Pacquiao kay WBO welterweight titlist Jessie Vargas na tulad ni Magdaleno ay isa ring Mexican American sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Nais ni Donaire ang malaking laban sa 2017 laban sa Frampton-Sta. Cruz winner kaya titiyakin niyang magwawagi sa walang talong si Magdaleno na nangakong patutulugin siya pagkaraan ng limang round.

“The truth is that if I win on November 5th, the next thing I want to do is going against Leo Santa Cruz or Carl Frampton. I’m a warrior and I want the big fights,” sabi ni Donaire sa ESPN Deportes. “Expect me in big fights at 126 pounds. This November 5th you will see a new era, that is what Ismael Salas has given me. They will see a different Nonito, with very strong mentality, from this point moving forward.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I really like the idea of fighting on the same card with Pacquiao it is incredible. There will be excellent fights, mine, Oscar Valdez, my focus is to win and no matter how much youth or how much speed Magdaleno - I’ll win,” dagdag ni Donaire. “I know Ismael Salas trained Jessie Magdaleno, but really we do not focus on that. I’m at an incredible level. Ismael has brought out the best of me. I’m more focused on what I’m doing when I’m with.”

May kartadang 37-3-0, kabilang ang 24 knockout, nais ni Donaire na mabawi ang WBA featherweight title na dati niyang hawak kaya kailangan niyang magwagi kay Magdaleno na may perpektong 23-0 marka, kabilang ang 17 knockout.

(Gilbert Espeña)