TOKYO — Sa loob ng dalawang taon, hindi na makakapasok sa bansa ang mga Amerikanong sundalo, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Maging ang mga kasunduang pang-militar ay posible umanong amiyendahan o tuluyan nang ibasura ng Pangulo.

“I have declared that I will pursue an independent foreign policy. I want, maybe in the next two years, my country freed of the presence of foreign military troops. I want them out and if I have to revise or abrogate agreements, executive agreements, I will,” ayon sa Pangulo sa harap ng Filipino at Japanese businessmen sa Tokyo.

Nilinaw ni Duterte na hindi naman niya pinag-iinitan ang alinmang bansa, sa halip ay ikinatwiran ang Saligang Batas na nagsasabing dapat ay may sariling foreign policy ang Pilipinas.

DOH, nagbabala sa posibleng pagtaas ng respiratory infections ngayong taglamig

“I would like to make it clear to everybody that we do not pick quarrels with our friends and neighbors but to me it is high time that the President stands up to its dignity as a people,” pahayag nito.

Sa pagpapatuloy ng Pangulo, muli nitong binakbakan ang US, kung saan tinatrato umanong mistulang asong nakatali ang bansa.

“They would say to you, ‘Stop it because we will withdraw or suspend aid and assistance to your country.’ It’s like saying ‘I am a dog on a leash’ and it said, ‘if you do not stop biting the criminals, we will not throw the bread under your mouth. We will throw it further so that you’ll have to struggle to get it,” pahayag ni Duterte. “That is what America wants me to be. A dog barking for the crumbs of their favour.”

Sinabi ng Pangulo na ‘great country’ ang Amerika at tinulungan ang Pilipinas, gayunpaman, hindi rin umano naging patas ang pagtrato nito sa bansa.

Sa Senado, sinabi naman ni Senate Minority Leader Ralph Recto na dapat maghanda ang pamahalaan at hindi puro salita lamang, sakaling ipawalang-bisa na ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Aniya, sa panahon ng climate change na maya’t maya ay dinadayo ng kalamidad ang bansa, dapat umanong nakahanda ang pamahalaan, lalo na’t laging ang US ang unang rumeresponde sa Pilipinas.

“The vacuum will be felt more in disaster relief operations because in many typhoons in the past, Americans have been the first responders, even sending entire carrier battle groups to help in rescue and reconstruction,” ani Recto.

Nilinaw ni Recto na hindi niya kokontrahin ang balak ni Duterte dahil simula pa lamang ay iginiit na niyang dapat ang EDCA ay ratipikado ng Senado. (Genalyn Kabiling at Leonel Abasola)