BEIRUT(AFP) – Napatay sa air strikes na tumama sa isang paaralan sa Idlib province na hawak ng mga rebelde sa hilagang kanluran ng Syria ang 22 bata at anim na guro, sinabi ng UN children’s agency nitong Miyerkules.
‘’This is a tragedy. It is an outrage. And if deliberate, it is a war crime,’’ sabi ni UNICEF director Anthony Lake.
Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights na ang ‘’warplanes -- either Russia or Syrian -- carried out six strikes’’ sa Hass, pati na sa isang eskuwelahan, na ikinamatay ng 35 sibilyan, kabilang ang 11 batang mag-aaral.