HINDI na hahanapin si Yen Santos ng kanyang fans.
Gagampanan niya ang bagong karakter sa buhay ni Waldo (Jericho Rosales) simula ngayong linggo sa primetime teleseryeng Magpahanggang Wakas.
Unang pagtatagpo pa lang nila ay maaanghang na mga salita na ang binitawan ng palaban at mataray na si Issa (Yen) kay Waldo nang mabangga niya ito habang pasakay ng tricycle. Hindi rin sinasadyang nagkapalit ang kanilang dala-dalang envelope na naglalaman ng kanilang resume kaya kinailangan na nilang magkitang muli.
Tiyak na aabangan ang magiging papel ni Yen sa panibagong yugto ng buhay ni Waldo na malayo kay Aryann (Arci Muñoz).
Pagkatapos mabigo sa unang babaeng inibig, si Issa na kaya ang babaeng makakapatibok uli ng puso niya?
Samantala, habang patuloy na inaayos nina Tristan (John Estrada) at Aryann ang kanilang pagsasama, muling masusulyapan ni Aryann ang lalaking pinakamamahal. May natitira pa kayang pag-ibig sa puso ni Aryann para kay Waldo?
Huwag palampasin ang Magpahanggang Wakas pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.