BATANGAS - Hindi pa man nakalilipas ang 24-oras, nadakip na kahapon ng mga awtoridad ang pito sa 12 preso na pumuga sa himpilan ng Malvar Police sa Batangas nitong Lunes.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office (BPPO) information officer Insp. Hazel Luma-ang, naaresto ang mga pugante sa magkakahiwalay na operasyon sa Mataas na Kahoy at Tanauan City sa Batangas, gayundin sa mga bayan ng Tiaong at Pagbilao sa Quezon.

Kinilala ang mga naaresto na sina El King P. Leonida, Melvin T. Ona, Arvie S. Villegas, Freddie C. Santos, Artemio J. Castillo, Jr., John Raniel H. Castillo, at Morris Rap G. Publico.

Nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga ang mga pugante, maliban kay Santos na akusado sa murder.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

Naaresto ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng Malvar Police, Batangas Provincial Intelligence Branch (PIB), Provincial Public Safety Company (PPSC), at Regional Intelligence Unit (RIU-4A).

Pinaghahanap pa rin ang iba pang pumuga na sina Noel Malpas, Gerald Rivo, Diego Barola, Leodegario Lara Jr. at Carissa Mae Salagan.

Dakong 4:00 ng umaga nitong Lunes nang makatakas ang 12 preso.

Nasibak naman sa puwesto ang hepe ng Malvar Police na si Senior Insp. Albert Fabregas at tatlo niyang tauhan habang iniimbestigahan ang nasabing jailbreak. (LYKA MANALO)