TOKYO, Japan – Interesado ang isang malaking Japanese fruit distribution company na mag-angkat ng karagdagang $220 million halaga ng saging mula sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ang kasunduan na pakikinabangan ng mga magsasakang Pilipino at rebel-returnees sa Mindanao ay magsu-supply ng 20 milyong kahon ng saging sa Farmind Corporation. Lalagdaan ito ngayong araw habang nasa Tokyo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tumulak ang Pangulo sa Japan kahapon para sa tatlong araw na official visit upang palakasin ang economic at defense relations ng Pilipinas sa mahalagang kaalyado sa rehiyon.

DOH, nagbabala sa posibleng pagtaas ng respiratory infections ngayong taglamig

“We will sign a MOU (memorandum of understanding) tomorrow (Wednesday) with your government and that to assist this rebel returnees, providing them opportunities to come to this market,” sabi ni Tatsuo Horiuchi, President at CEO, sa panayam ng media sa Tokyo nitong Martes.

“We’re taking about 20 million boxes as a target from the Philippines and which is about maybe less than 30 percent of total Japan market. Total Japan market is about 70 million boxes,” dagdag niya.

Nang tanungin kung kailan magsisimula ang pag-aangkat nila ng saging sa Pilipinas, sinabi ni Horiuchi na: “Banana takes one year to grow so any time all the set up started in Philippines, production starts a year from now.”

Hawak ng Farmind, distributor ng saging at gulay, ang 40 porsiyento ng supply ng saging sa buong Japan. Sa kasalukuyan, 70% ng saging nito ay inaangkat mula sa Pilipinas at 30% mula sa Central America.

“Japan and Philippines have long long relationship than any Asian countries and economic relationships. Banana is one of the most typical product coming to Japan,” sabi ng opisyal. (GENALYN D. KABILING)