Nakatakdang sumalang ang mga PBA aspirants sa dalawang araw na 2016 PBA Draft Combine simula ngayon sa Hoops Center sa Mandaluyong City.

Magtatagisan ng talento ang mga draft hopefuls sa dalawang araw na camp upang makuha ang atensiyon ng mga dadalong PBA coache at scout.

May kabuuang 55 aplikante na hahatiin sa walong koponan na kabibilangan ng tig-pitong player.

Nakatakdang sukatin ang height at reach ng mga draft hopefuls at papailalim sa ilang mga performance tests ngayong araw. Sa Huwebes, may tsansa naman silang maipakita ang kanilang mga skills sa isang mini tournament kung saan gagabayan sila ng mga PBA assistant coach.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, nakatakdang idaos ang 2016 PBA Rookie Draft sa Oktubre 30 sa Robinsons Place Manila.

Kabilang sa special drafy ang mga miyembro ng Gilas Cadet na sina Mac Belo, Kevin Ferrer, Jiovani Jalalon, Mike Tolomia, Roger Pogoy, at Russel Escoto, (Marivic Awitan)