Tinataya ng Department of Agriculture (DA) na papalo sa P10 bilyon ang nasira sa sektor ng agrikultura at pangisda sa northern Luzon sa pagdaan ng super typhoon ‘Lawin’.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ito ay batay sa pauna nilang assessment sa nasalanta ng bagyo sa Region 2 at sa iba pang rehiyon sa Luzon. Sakay ng military chopper, nagsagawa ng aerial survey ang Kalihim sa Cagayan Valley.

“I have also instructed the concerned DA agencies, particularly the Philippine Crop Insurance Corporation and the Agricultural Credit Policy Council, to swiftly process crop insurance payments to enable the farmers and fishers cope with their loss,” ani Piñol.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Apektado ng nagdaang bagyo ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol regions. (Rommel P. Tabbad)