TOKYO, Japan — Hanga sa matapang na reform agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa skilled Filipino workforce, binabalak ng tatlong malalaking kumpanyang Japanese na magbuhos ng multibillion-dollar investments sa energy sector ng Pilipinas.

Bago ang pagbisita ng Pangulo sa Tokyo, nakipagpulong si Energy Secretary Alfonso Cusi sa top executives ng Osaka Gas, Yazaki-Torres Manufacturing Corp, at JFE Engineering Corporation upang talakayin ang kanilang panukalang pagnenegosyo sa bansa.

“They see that our President really means what he says. They believe that the President would move the country forward so by making the reforms that is necessary to encourage them to relocate such as eliminating red tape, corruption,” sabi ni Cusi sa panayam ng media sa Tokyo.

“They are looking at that the Filipinos are good workers, good laborers but we have to work on improving our competitiveness and logistics,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Target ng Osaka Gas ng Japan na magtayo ng liquefied natural gas (LNG) power generation project sa Luzon at Mindanao, ayon kay Cusi. Ang proyekto ay magkakahalaga ng “billions of dollars,” dagdag niya.

Isa pang Japanese firm, ang Yazaki-Torres Manufacturing Incorporated, ay nagbabalak namang magtayo ng wire road manufacturing plant sa Pilipinas.

Nakausap din ng energy department ang Tokyo-based JFE Engineering Corporation na posibleng mamumuhunan sa biomass power plant sa bansa.

Ayon kay Cusi ang panukalang magtayo ng waste management facility sa bawat lungsod ay makatutulong upang magkaroon ng kuryente sa lugar. Ang konstruksiyon ng biomass power plant ay magkakahalaga ng tinatayang P18 billion.

Marami pang negosyanteng Japanese ang interesado ring makipagpulong sa energy chief habang nasa Japan kasama si Pangulong Duterte.

“We could hardly take a bladder break...We are short of time to accommodate the meetings that have lined up,” ani Cusi. (Genalyn D. Kabiling)