WASHINGTON (AP) — Maraming kabataang botante ang nahihila na ni Hillary Clinton sa closing stretch ng 2016 campaign, ayon sa bagong GenForward poll ng mga Amerikano na nasa edad 18 hanggang 30 anyos.

Nangunguna sa mga nagbago ng isip ang white voters, na nitong isang buwan lamang ay nahahati sa dalawang kandidato at noong 2012 ay mas sinuportahan si GOP nominee Mitt Romney kaysa kay President Barack Obama.

Sa bagong GenForward survey, nangunguna si Clinton sa lahat ng young whites sa 35 porsiyento kontra 22 porsiyento ni Donald Trump, at ng 2-to-1 margin sa mga posibleng botante. Hawak ni Clinton ang consistent advantage sa mga batang African-Americans, Asian-Americans at Hispanics sa naunang GenForward polls, gayundin sa bagong survey.

Ipinahihiwatig din ng bagong survey na mas sabik na ngayong bumoto ang mga batang African-Americans, 49% sa kanila ay nagsabing tiyak na boboto sa Nobyembre 8 kumpara sa 39% lamang noong Setyembre. Mahigit kalahati ng young whites, at halos 4 sa 10 Hispanics at Asian-Americans, ang nagsabing tiyak na sila ay boboto.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ang GenForward ay survey sa adults na nasa edad 18 hanggang 30 ng Black Youth Project sa University of Chicago.

Katuwang nito ang Associated Press-NORC Center for Public Affairs Research. Binibigyan ng espesyal na atensyon ng first-of-its-kind poll ang boses ng young adults of color, at kung paano hinuhubog ng lahi at ethnicity ang opinyon ng bagong henerasyon.

Sa kabuuan, nangunguna si Clinton kay Trump sa young likely voters ng 60% kumpara sa 19%, may 12% ang sumusuporta sa Libertarian nominee na si Gary Johnson at 6% kay Jill Stein ng Green Party. Kapag tinanggap nina Clinton at Trump ang level of support na ito sa Election Day, mapapantayan ni Clinton ang level ni Obama noong 2012 habang kakapusin naman si Trump sa level ni Romney.

Natuklasan din sa survey na 45% ng young adults ang may favorable view kay Clinton, habang 17% lamang ang natutuwa kay Trump.

Ipinakita din sa survey na ang young whites ay hindi gaanong itinuturing si Trump na qualified para maging pangulo, bumaba ng 30% kumpara noong Setyembre sa 24%.