justin-copy-copy

HINDI nagustuhan ni Justin Bieber ang hiyawan ng kanyang fans sa concert niya sa Manchester, England. 

Nag-walkout sa entablado ang pop star sa kalagitnaan ng kanyang show noong Linggo nang hindi sumunod ang fans sa kahilingan niya na huminto sa paghiyaw. Kinausap niya ang crowd habang kumakanta siya.

Sinabi ni Bieber sa crowd na nais niya magsalita kaya dapat mahinto muna ang hiyawan. Nang magpatuloy pa rin ang malakas na sigawan, nadismaya si Bieber, ibinaba ang mikropono at umalis sa entablado. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Napaulat na sinabi ni Bieber: “Just try to show me you love me, in a different way. I get it. The screaming is just so obnoxious. I get it, it’s been in our blood and it’s been grand, you go to a concert and scream and stuff. But if we could just... scream after the song, enjoy the songs ... the screaming is awesome, it’s fine, and then we take a chill pill for a second and we just listen to me speak. Because... I don’t feel like I’m being heard sometimes and it’s getting a little pressuring. So, if when I’m speaking you guys could not scream at the top of your lungs. Is that cool with you, guys?”

Bumalik pagkaraan ng ilang minuto ang mang-aawit at sinabi sa crowd na hihinto na siyang magsalita at gagawin na lamang ang musical set dahil, aniya, “Manchester just can’t handle it.” 

Ipinaliwanag ni Bieber ang kanyang tantrum sa hulihan ng konsiyerto, bago niya kinanta ang Baby. Sabi niya: “The reason why I was getting upset earlier was because I travelled across the whole world to come here and I dedicate my life to performing and bring smiles to people’s faces.

“I feel that people were just not giving me the same respect back and it hurts a little bit so that’s why. But we’re gonna end it on this last song... Baby.”

Naging kontrobersiyal ang Purpose world tour ni Bieber sa UK, noong nakaraang linggo lamang, pinagsabihan din ng singer ang fans sa dalawang magkaibang concert. (AP)