jake-ejercito-copy-copy

ITO ang karugtong ng no-holds-barred interview namin ni Jake Ejercito na lumabas ang first part kahapon.

In speaking terms ba sila ni Andi Eigenmann?

“Unfortunately, no!” sagot ng binatang ama.

Human-Interest

ALAMIN: Ang istorya sa likod ng viral FB post na 'Ang munting candy at kuwento ng tagumpay'

Hindi na sila nag-usap simula nang mag-away sila sa Twitter, at inamin naming pinuna namin ang pagiging ungentleman at pagpatol niya sa babae na nababasa pa ng lahat. Bakit hindi na lang sila nag-usap ng pribado?

“Well, nu’ng ginawa ko po ‘yun, the very first week, alam kong talo ako, but kasi maraming nangyari behind the scenes na I felt like I have to stand-up for myself at least just this once. Kahit talo ako sa mata ng public which is just happened, di ba ‘yung Andi-Jake Twitter party parang ganu’n.

“That was fine with me. And after less than a month, na-reveal na (siya ang tunay na ama ni Ellie), vindicated ako, I feel somehow na vindicated ako,” paliwanag ng bagong aktor.

Magkakilala ba sila ni Albie Casiño?

“I was able to meet him once, when he was still with Andi. Di ba kasi si Andi, barkada ko na since, very briefly lang, in passing lang. Ever since that time, somehow for some reasons, never bumped into him,” sagot ni Jake.

So, may overlap sa kanila ni Albie?

“Overlap, siguro nasagot ko na ‘yan before, hindi na kailangang balikan pa,” nakangiting sagot niya.

May chance pa ba silang magkabalikan ni Andi alang-alang sa anak nila?

“As much as I want to answer na tulad ng sinasabi na I keep my doors open naman, pero feeling ko talaga, wala na,” natawang sagot sa amin.

Mahal pa ba niya si Andi?

“Ha-ha, hindi na,” diretsong sagot.

Samantala, anumang oras ay nahihiram ni Jake ang anak at nakaka-bonding ang mga pinsan niyang anak nina Jerika at Meryll Soriano (anak ni Bernard Palanca sa dalawang babae).

“She was with me earlier today, tuwa nga si Mommy (Laarni Enriquez) kasi kamukha niya. Pagmasdan mo, pareho sila ng chin, magkahawig talaga,” masayang sabi ni Jake.

Ipinakita ni Jerika ang picture ni Ellie kasama ang mga anak nila ni Meryll na magkakasama. Totoo ngang may hawig kay Ms. Laarni si Ellie.

May bago na bang karelasyon si Jake?

“No, I’m single now, I just want to focus on my study and to Ellie, like last night, Ellie was with me, sleepover once in a while. I’d rather spend my Saturday night with Ellie, kasi I’m based in Singapore, so I was able to fly back once or twice a month. So siyempre, I’ll make it a point to spend time with her, hindi na nga ako lumalabas ngayon,” nakangiting kuwento ni Jake.

Dati, party goer siya, gabi-gabing nasa gimikan.

“Yeah, those were the days, hindi na talaga, rarely na,” sabi sa amin.

Bakit biglang nabago ang lifestyle niya?

“Kasi nga that was two years ago, almost every night, eh, labas ako nang labas, siguro, too much to soon ba tawag du’n? It’s the same people, same place, parang nagsawa na rin talaga.”

At ang hindi alam ng lahat, na hindi rin sinasabi ni Andi, sagot ni Jake ang pag-aaral ni Ellie.

“Well, eversince naman, when it comes to her schooling, ako naman ‘yun. I prepared naman talaga, and it started a year ago, yeah, nu’ng nag-start siyang mag-aral. Doon pa lang. The rest hindi pa namin napapag-usapan (ni Andi).

Well, sinabi ko naman kay Andi na as much as I could help financially, sinabi niya sa akin before na nag-aaral pa ako, kaya pa naman niya, saka na lang daw naming pag-usapan (magkabati pa sila noon),” kuwento ni Jake.

Graduating na ba siya?

“August next year po, Masters in Marketing.”

Ngayong nakatanggap siya ng Best New Male TV Personality mula sa Star Awards for TV, ano ang landas na gusto niyang tahakin ni Jake, showbiz o politics?

“Good question, ha-ha-ha. Kasi right now, itong pagpasok ko sa showbiz, I never saw it coming, I don’t wanna say I was forced into it, but I can say na very hesistant when I did the teleserye of AlDub, was very hesistant kasi mahiyain ako, eh. At hindi ko in-expect na ganu’n ka-warm ‘yung pagtanggap sa akin ng AlDub Nation.

“So as of now siguro, mga guesting-guesting lang kasi nga I’m still visible. And in the future after I graduate, I still don’t know, as of now. Meron din sa politics nagsasabing I should run in Manila. As of now kasi rin, I still have small business ventures, have a small café and small gym in San Juan (malapit sa Xavier School).

“So, kung puwede lang po business, business na lang ako, pero kung nandidiyan naman ang offer (showbiz), kung kakayanin ko po... pero sa tingin ko parang hindi,” tumawang sabi ni Jake.

Ano ang sabi ng kanyang ama, si Manila Mayor Joseph Estrada, sa showbiz o sa pulitika siya?

“Si Daddy din kasi pabagu-bago, pero sabi rin niya mag-business na lang ako kasi masyadong magulo ang politics and showbiz pareho. Nagulat nga ako, pinayagan niya ako to do the teleserye. Sabi niya, tama na ‘yan kasi mukhang nage-enjoy na raw ako,” natawa uling sabi ni Jake.

First time naming nakaharap at natitigan nang personal si Jake Ejercito, na napakaguwapo pala talaga, kaya pala maraming babaeng nagkakagusto sa kanya.

Pero sorry, girls, ang anak na si Ellie ang priority niya ngayon bukod sa pag-aaral at pamilya niya. (REGGEE BONOAN)