jake-copy

INABUTAN namin si Jake Ejercito na kumakain kasama ang mama niyang si Ms. Laarni Enriquez, ate na si Jerika Ejercito, si Ms. Liz Alindogan at si Katotong Jobert Sucaldito na kaagad kaming ipinakilala sa mag-iina.

Tinext namin si Katotong Jobert kung puwede naming mainterbyu si Jake at kaagad namang pumayag ang nanalong Best New Male TV Personality para sa God Gave Me You, Lenten presentation ng Eat Bulaga kasama sina Maine Mendoza at Alden Richards, sa Star Awards for TV.

Malaman ang acceptance speech ni Jake habang hawak ang tropeo, “To my number one inspiration, my princess, my Ellie, this is for you.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kaya nang masolo namin si Jake, diretsahan ang tanong namin kung kailan niya nalamang siya ang tunay na ama ng anak nila ni Andi Eigenmann.

“Nalaman ko (nag-iisip), more than a year ago. Actually, almost two years ago, yeah, almost two years ago,” sagot niya.

‘And that’s December?” tanong uli namin.

“Yeah, about December,” natawang sagot ni Jake.

Inamin namin sa guwapong daddy ni Ellie na sinulat kasi namin (dito sa Balita) na siya ang tunay na ama noong December 2014 habang nasa New York, USA kami at iyon ang nalaman namin sa mga kaibigan niya roon.

“Ha-ha-ha, umabot sa ibang bansa, yes, almost two years ago, and Ellie was already 3 when I found out,” tumawang sabi ni Jake.

Bakit bumilang pa ng mga taon bago inamin ni Jake na siya ang ama, bakit hindi kaagad noong panahong nalaman niya?

“Well, sa akin kasi, I’m very grateful that I never denied it, kapag tinatanong ako, my answers was not straightforward, but I never denied it. Kaya ganu’n ang mga sagot ko na hindi ko sinasagot ng straightforward kasi ang importante sa akin is to protect Ellie and I mean, it wasn’t me naman who was pinpointing, there’s someone else, I wasn’t identified naman as the father. So, for me, I don’t really owe anyone an apology kasi hindi naman ako nag-pinpoint ng iba and I never denied it kapag tinatanong ako. Sabi ko lang, ‘I’ve been there for Ellie ever since she was conceived, di ba?

“If you ask me bakit ang tagal from the time na nalaman ko until the time na na-reveal na, it wasn’t for me to announce or to reveal, kasi alam kong maraming maapektuhan and most of all, ang iniisip ko lang, si Ellie rin,” seryosong paliwanag ni Jake.

Naroon sa London si Jake nang ipanganak ni Andi si Ellie, kaya hindi agad niya nakita ang anak at hindi rin niya naramdaman ang tinatawag na lukso ng dugo.

“I was still based in London when she (delivered Ellie), that was November 2011, siguro na-meet ko siya (Ellie) nu’ng nag-Christmas break. To be honest, hindi ko naramdaman ‘yung sinasabing lukso ng dugo, actually in-anticipate ko na, meron kaya o wala and that’s why kasi ang paniwala ko rin talaga kay... sa iba (Albie Casiño).

“Even so, I was still there since then, and I am very grateful kasi, no regrets, ako lang kilala ni Ellie na daddy niya, eversince,” tumawang sabi ni Jake.

Diretsong tanong uli namin, naririnig ba ni Ellie ang pangalan ni Albie?

“I don’t think so,” saad ng daddy ng bagets.

Biro namin, mabuti’t hindi pa nag-i-Internet si Ellie.

“Hindi pa (natawa), ‘yun nga, eh. Siguro dararating din doon,” masayang sabi sa amin.

In speaking terms ba sila ni Andi?

(Editor’s note: Abangan po ang marami pang rebelasyon bukas.) (REGGEE BONOAN)