la-salle-copy

Mga Laro Ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

2 n.h. -- La Salle vs UE

Kahayupan (Pets)

Asong nasagip mula sa dog meat trade, nangangailangan ng tulong

4 n.h. -- UP vs NU

12-0 marka, target ng Green Archers kontra Warriors.

Nasa mga kamay ng University of the East Warriors ang kapalaran ng La Salle Green Archers na madungisan ang dangal sa UAAP Season 79 seniors basketball.

Wala nang pag-asa ang Warriors na maisalba ang kampanya na makahirit sa Final Four, ngunit talo pa ang nagkampeon sakaling magapi nila ang nangungunang Green Archers sa kanilang pagtatagpo ngayon sa pagpapatuloy ng second round elimination sa Smart-Araneta Coliseum

Target ng La Salle ang ika-12 sunod na panalo para makalapit sa minimiting kasaysayan at masungkit ang outright championship slot.

Nakatakda ang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Huling winalis ng Green Archers ang season host University of Santo Tomas Tigers na dinomina nila sa 43 puntos na bentahe.

Dahil sa katotohanan na wala nang mararating ang kampanya ng Warriors, target na lamang nila ang makasilat at maipaghiganti ang 69-80 kabiguan sa Archers sa unang round ng elimination.

Sa tampok na laro, sisikapin ng National University na makaahon sa kinasadlakang apat na sunod na kabiguan upang patuloy na palakasin ang tsansa nilang makahabol sa huling slot sa Final Four.

Matapos ang magkasunod na kabiguan sa kamay ng Tigers at Green Archers, bumagsak ang Bulldogs sa ikalimang posisyon taglay ang barahang 4-6, isang laro ang pagkakaiwan sa pumapang- apat na Adamson na may patas na barahang 5-5.

May maliit pang tsansa ang Fighting Maroons, ngunit haharapin nila ang Bulldogs na posible pa ring makahabol sa huling Final Four slot. (Marivic Awitan)