MARAMING callers ang nagtatanong kay Bro. Jun Banaag tungkol sa kalagayan ng kalusugan ni Fatima Soriano.
Ilang buwan nang namamalagi si Fatima sa America at masusing binabantayan ang kanyang health conditions. A few years back ay nagkaroon siya ng kidney transplant na kalaunan ay nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang kalusugan.
Kinailangang dalhin siya sa America upang matutukan nang husto ang kanyang maselang kalagayan.
Sa huling balitang ipinarating kay Bro. Jun, isiniwalat niya na walang gaanong pagbabago sa kalagayan ni Fatima.
Hiniling ni Bro. Jun na ipagdasal si Fatima. Personal ding nananalangin si Bro. Jun kasama ang iba pang humihingi ng dasal para sa kanilang mga mahal sa buhay. Panata na itong ginagawa ni Bro. Jun tuwing alas tres ng umaga pagkagaling sa kanyang radio program sa DZMM.
Missed ng marami si Fatima na naging malaking bahagi sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos sa show ni Dr. Love. Si Fatima na kilala rin ng mga taong-simbahan ang umawit ng Mama Mary Loves You na theme song sa counselling program ni Bro. Jun Banaag, OP. (Remy Umerez)