Oktubre 26, 1984 nang operahan at palitan ang depektibong puso ng isang 14 na taong gulang na babae ng puso ng isang unggoy na kasing-laki ng walnut. Ang unang operasyon ng baboon-to-human heart transplant ay isinagawa kay “Baby Fae” sa pangunguna ni Dr. Leonard L. Bailey sa Loma Linda University Medical Center sa Loma Linda, California.
Ipinanganak si Baby Fae na may hypoplastic left-heart syndrome. Sa problemang ito, ang kabuuang parte ng kaliwang puso ay nawawala.
Nalampasan ng bata ang operasyon, at mas matagal nabuhay kumpara sa mga sumunod na inoperahan gaya ng nasabing proseso. Matapos makipaglaban sa buhay sa loob ng 20 araw, pumanaw si Baby Face noong Nobyembre 15 ng nasabing taon.