si-kane-choa-kasama-ang-team-abs-cbn_ador-item-copy

MULING hinirang sa ikawalong pagkakataon bilang Best TV Station ang ABS-CBN sa 2016 PMPC Star Awards for TV.

Pinakamarami rin ang mga parangal na iniuwi ng Dos sa pagkilala sa iba’t ibang programa at mga artista sa iba’t ibang kategorya ng TV at Music.

Nakamit ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Best Primetime Drama Series at Best Drama Actor naman si Coco Martin. Tinanghal din ang child actors na sina McNeal Briguela at Simon Pineda, gumaganap bilang Makmak at Onyok sa hit teleserye, bilang Best Child Performer at Best New Male TV Personality respectively.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang Doble Kara na pinagbibidahan naman ni Julia Montes ang Best Daytime Drama Series, at ginawaran sina Arjo Atayde at Aaron Villaflor bilang Best Drama Supporting Actor para sa kanilang natatanging pagganap sa FPJ’s Ang Probinsyano at All of Me.

Humakot ng awards si Luis Manzano bilang Best Male TV Host, Best Game Show Host, at Best Talent Search Show Host.

Kahati ni Luis sina Robi Domingo at Kim Chiu sa Best Talent Search Host award.

Ang iba pang Kapamilya big winners sa Star Awards ay ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim (German Moreno Power Tandem of the Year), Anne Curtis (Best Female TV Host), Boy Abunda (Best Celebrity Talk Show Host at Best Public Affairs Program Host), Ria Atayde (Best New Female TV Personality), ASAP (Best Musical Variety Show), Goin’ Bulilit (Best Gag Show), Tonight With Boy Abunda (Best Celebrity Talk Show), Ipaglaban Mo (Best Drama Anthology), at RX Plus (Best Lifestyle Show).

Umani rin ng mga parangal ang ABS-CBN news and current affairs kabilang na ang Best News Program (TV Patrol), Best Documentary Special (Politika at Pamilya, Sila Noon, Sila Pa Rin Ngayon), Best Magazine Show (Rated K), Best Educational TV Program (Matanglawin), at Best Public Affairs Program (Bottomline).

Kinilala rin ang personalties ng news and current affairs tulad nina Korina Sanchez (Best Magazine Show Host), Julius Babao (Best Public Service Program Host), Kim Atienza (Best Educational Program Host), Anthony Taberna, Jorge Cariño, Atom Araullo, Amy Perez, Winnie Cordero, Ariel Ureta, at Gretchen Ho (Best Morning Show Hosts for Umagang Kay Ganda).

Nagningning din sa PMPC Star Awards for Music ang talent ng Kapamilya stars kabilang na sina Jed Madela (Best Male Recording Artist of the Year), Jolina Magdangal (Best Female Recording Artist of the Year), Marion Aunor (Best Female Pop Artist of the Year), Janella Salvador (Best New Female Recording Artist of the Year), Hashtags (Best Dance Album of the Year), Vice Ganda at Edward Benossa (Best Music Video of the Year).

Samantala, kinilala rin sina Arjo at Ria Atayde bilang Male at Female Star of the Night for Music, at sina Luis Manzano at Yassi Pressman naman ang tinanghal bilang Male and Female Star of the Night for TV.

Taun-taong nagbibigay ng parangal ang PMPC Star Awards sa pinakamagagaling na programa at personalidad sa telebisyon at musika. (ADOR SALUTA)