CEBU CITY – Sinibak sa puwesto ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame ang 28 commissioned at non-commissioned officer sa Central Visayas, kaya sa kabuuan ay nasa 123 na ang mga pulis na sinibak sa rehiyon.
Napaulat na sinibak sa puwesto ang walong commissioned at 20 non-commissioned officer dahil sa pagtanggap umano ng drug money mula sa hinihinalang drug lord na si Franz Sabalones, ng Cebu.
Sinabi naman ni Senior Supt. Renato Dugan, hepe ng Regional Personnel and Human Resource Development Division ng Police Regional Office (PRO)-7, na ang 28 pulis ay maaaring maitalaga sa Camp Crame o sa iba pang rehiyon, partikular na sa Mindanao at Cordillera. (Mars W. Mosqueda, Jr.)