Kahit nawalan ng trabaho, masayang-masaya pa rin sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas ang 154 na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Jeddah, Saudi Arabia nang lumapag ang kanilang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, sa Pasay City kahapon ng hapon.

Dakong 1:30 ng hapon dumating ang ikawalong batch ng OFWs, sakay ng Saudia Airlines flight SV-872 sa NAIA Terminal 1, kung saan sinalubong sila ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) Repatriation Team sa pamumuno ni Director Carl Dominguez at ng kani-kanilang pamilya.

Sa ulat ng OWWA, ang mga dumating na OFW ay pawang nawalan ng trabaho sa pinapasukang kumpanya mula sa construction firm na Saudi Oger bunsod ng krisis sa langis sa naturang bansa.

Nangako naman ang Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ni Muhammad Noordin Limondot, foreign service officer special assistant ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affair (OUMWA), na sisikapin nilang makuha ang lahat ng benepisyo at suweldong hindi nabayaran ng nasabing kumpanya sa mga OFW.

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Tatanggap ng ayuda ang mga umuwing OFW mula sa OWWA. (Bella Gamotea)