Ayaw ng Amerika na mamili ang mga bansa sa pagitan ng United States (US) at China, ayon kay US Assistant Secretary for East Asian and Pacific Affairs Daniel R. Russel.

Matapos ang mahabang oras na pakikipagpulong kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., kahapon ng umaga, sinabi ni Russel na ang gusto ng US government sa mga bansa ay magkaroon ng sariling choices, autonomy at makapagdesisyon sa sarili.

Ang pulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) headquarters sa Pasay City, ay oportunidad para malinawan ng US kung ano ang ibig sabihin ng ‘separation’ na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Batid naman ni Russel ang paliwanag ni Duterte na ito ay may kaugnayan sa ‘independent foreign policy’ ng Pilipinas.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“If separation means that the government in Manila makes its own foreign policy decisions based on its own assessment of the Philippine national interest, then there’s no need for change,” ayon kay Russel.

“If it’s the policy of the Philippines to honoring its Constitution and makes its own decision on the basis of autonomy, independence and self reliance, then that’s consistent with the way that the US and the Philippines have partnered as allies,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, sinabi ng US official na nirerespeto ng Amerika ang kasarinlan at kalayaan ng Pilipinas. Sa katunayan, nagsasagawa umano ng pagsasanay para sa ‘capacity building programs’ ang US na kinakailangan para mabigyan ng proteksyon ang awtonomiya at pagtayo sa sarili ng Pilipinas.

Mali umanong isipin na ang pinaghusay na relasyon ng Manila at China ay ginawa, laban sa US.

“That’s not the way that we think,” ayon kay Russel. “This should be addition and not subtraction.”

Samantala inamin din umano ni Russel kay Yasay na nagkaroon ng kalituhan ang mga pahayag ni Duterte, hindi lang sa US, kundi maging sa ibang bansa.

“This is not a positive trend,” pahayag ni Russel. “The growing uncertainty about this and other issues are bad for business.”

Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Yasay na ‘happy’ at ‘satisfied’ sila ni Russel sa kanilang pulong.

“We will continue to engage ourselves in dialogue and discussions to make sure that we will know exactly where our relationship is, in what areas it will be strengthen and how we can move forward in so far as strengthening the relationship,” ani Yasay.

Sinabi ng kalihim na patuloy na pagsisikapan ng dalawang bansa ang pagpapatatag sa kanilang relasyon, lalo na’t maging ang Pangulo ay nagsabing hindi maganda sa interes ng Pilipinas ang tuluyang pagkalas sa Estados Unidos.

(ROY C. MABASA)