Hindi kumbinsido ang party-list lawmakers na dapat gawing ligal ang same-sex marriage sa bansa.

Ayon kay BUHAY partylist Rep. Mariano Michael Velarde, kailangang linawin ang layunin sa same-sex marriage.

“We all have rights as individuals, institutions have rights. So we have to find the middle ground and look into the major effects of this proposal,” ayon kay Velarde.

Sinabi ni Velarde na ang pamilya ay pangunahing institusyon. “If you will pursue same-sex marriage, how can you call it a family? Because marriage is solely for a man and a woman,” dagdag pa nito.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Magugunita na ipinangako na ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang panukalang magbibigay umano ng kaligayahan at dignidad sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

Sinabi naman ni ACTS-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz na kokontrahin niya ang panukala.

Kung ang Saligang Batas ay pwede umanong mapalitan, ang ‘law of nature’ ay hindi.

Hindi rin pabor sa panukala sina COOP-NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo at AANGAT TAYO party-list Rep. Harlin Neil Abayon III.

Hindi napapanahon ang panukalang same-sex marriage dahil maraming dapat na unahin ang mga mambabatas, ayon naman kay Navotas Rep. Toby Tiangco. (Charissa M. Luci)