Oktubre 25, 1881 nang isilang si Pablo Ruiz Picasso kina Don José Blasco Ruiz at María López Picasso sa Malaga, Spain.
Isa sa pinakamahuhusay at maiimpluwensiyang pintor ng ika-20 siglo, pinakakilala si Picasso sa paglulunsad niya ng Cubist movement o konsepto ng Cubism sa sining, kasama ang Pranses na pintor na si Georges Braque noong 1909.
Kabilang sa mga tanyag niyang obra ang “The Old Guitarist” (1903), “Le Rêve (The Dream)” (1932), at “Les Demoiselles d’Avignon” (1907).
Bukod sa pagiging popular sa buong mundo sa kanyang pagpipinta, si Picasso ay isa ring iskultor, maglilimbag, ceramicist, tagapagdisenyo ng entablado, makata at playwright na ginugol ang malaking bahagi ng kanyang buhay sa France.
Pumanaw si Picasso noong Abril 8, 1973 sa Mougins, France sa edad na 91.