Matapos ideklarang special non-working days ang Oktubre 31 at Nobyembre 1, pinaalalahanan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang mga employer sa pribadong sektor na sumunod sa tamang panuntunan ng pasahod.

“All Saints Day, or ‘Undas’, is one of the country’s most cherished traditions. The proper observance of the pay rules and core labor standards on this Special Non-Working Day promotes decent work, workers’ productivity, and competitiveness,” pahayag ni Bello, kasabay ng pagpapalabas sa Labor Advisory No. 15, Series of 2016, o ang Alituntunin sa Pagbabayad ng sahod para sa Special Non-Working Days sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, 2016.

Para sa nasabing special non-working days, ang mga panuntunan ng pagpapasahod na kailangang sundin ay ang mga sumusunod: Kung ang isang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang prinsipyo ng “no work, no pay” ay dapat ilapat maliban kung mayroong isang paborableng patakaran ng kumpanya, nakasanayan, o collective bargaining agreement (CBA) ang pagbibigay ng bayad sa isang espesyal na araw.

Para sa trabaho na natapos sa panahon ng espesyal na araw, ang mga manggagawa ay dapat bayaran ng karagdagang 30 porsiyento sa kanilang arawang rate sa unang walong oras ng trabaho. Ang daily rate x 130 percent plus COLA scheme ay kailangang sundin.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Kapag nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work), ang mga manggagawa ay binabayaran ng karagdagang 30 porsiyento sa kanilang mga oras-oras na rate sa naturang araw.

Para sa trabaho na natapos sa panahon ng isang espesyal na araw na tumapat sa pahinga ng manggagawa, sila’y babayaran ng karagdagang 50 porsiyento sa kanilang arawang rate sa unang walong oras ng trabaho.

Ang pumasok sa trabaho na higit sa walong (overtime work) oras sa panahon ng isang espesyal na araw at tumapat sa araw ng pahinga ng manggagawa, sila’y babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang mga orasang rate sa naturang araw. (Mina Navarro)