NAKAKATUWA ang maayos na samahan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching kahit break na.
Mabilis nilang binura ang bitterness at ngayon, magkaibigan uli at nagtambal uli. Kabilang sila sa mga bida ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Hahamakin Ang Lahat na pilot na sa Monday, October 31.
Nang manalong Best Single Performance by an Actor si Kristoffer para sa Magpakailanman sa episode na “Mag-ama sa Loob ng Bilangguan,” isa si Joyce sa mga unang bumati sa leading man via Twitter.
Naunang nag-tweet si Kristoffer ng, “To God be the glory. Maraming salamat po” at nag-comment si Joyce ng, “Congratulations @flinsTUNs! Ex ko ‘to! Haha. Always and forever proud.”
Sumagot naman si Kristoffer ng, “@chingjoyce Ayun oh! Salamat Ex! Haha!”
Anyway, more mature ang role ng dalawa sa Hahamakin Ang Lahat , may kissing scene na sila, may mga eksenang nakahubad si Kristoffer at nag-two-piece swimsuit si Joyce. Hintayin natin kung magugustuhan ng kanilang fans ang pagbabagong ito sa kanilang favorite love team. (Nitz Miralles)