Matapos humakot ng suporta ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban ang paggamit ng mga paputok sa bansa, naghahanda na ang Department of Labor and Employment (DoLE) kung papaano nila sasaluhin ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho.

Sa panayam, sinabi ni Labor Undersecretary Joel Maglunsod na tinatantiya na ng kagawaran ang posibleng maging epekto ng firecracker ban.

“If it will have an effect (to their employment), we have to assess what intervention we could provide for those who will be displaced,” ani Maglunsod.

Ilan sa mga naiisip na tulong ng DoLE ay i-train ang mga manggagawa para maging tricycle drivers o karpintero, o kaya’y bigyan sila ng ‘nego-karts’. - Samuel Medenilla
National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara