MASAYANG ibinalita ni Tom Rodriguez ang international premiere ng pelikulang Magtanggol na isa siya sa main cast.
Very proud ang aktor na bahagi siya ng tinawag nilang “tribute film” para sa mga OFW.
“Happy to announce that Magtanggol will have an international premiere on October 22 (last Saturday) as it competes at the International Film Festival of Manhattan at the Producer’s Club in New York,” post ni Tom sa Instagram.
Role ng isang senador na tumutulong sa mga naaabusong OFWs ang ginagampanan ni Tom sa nasabing pelikula and he did a good job in portraying his role.
Samantala, napupuri ang kahusayan ni Tom sa pagganap ng taong may early onset ng Alzheimer’s disease sa teleseryeng Someone To Watch Over Me. Mahusay ang aktor lalo na sa mga eksenang sinusumpong siya ng kanyang sakit.
Ang sakit sa dibdib ng mga eksenang nakakalimutan niya ang amang si Edu Manzano, ang asawang si Lovi Poe at ang anak nilang si Joshua. Sa mga susunod na eksena, masasaktan na niya si Lovi nang hindi niya alam.
Tama ang reaction ng isang viewer na, “F—k Alzheimer’s” dahil nakakaawa talaga ang mga taong dinadapuan ng sakit na ito. (Nitz Miralles)