HINDI pinalampas ni Sylvia Sanchez ang pagkakataon na mapanood ang concert ng idolo niyang si Sharon Cuneta sa The Theater, Solaire Resort and Casino noong Sabado ng gabi. 

Inaamin ni Ibyang sa mga panayam sa kanya na nag-artista siya dahil sa labis na paghanga sa megastar at nais niyang sundan ang mga yapak nito. Katunayan, nag-cutting classes pa siya at bumiyahe ng isang oras mula Barangay Nasipit, Agusan del Norte papuntang Butuan City para lang mapanood ang pelikulangSana’y Wala Nang Wakas noong 1986. 

Sinusulat namin ito dahil may nagpadala sa amin ng video clip, habang nagtitipa kami kahapon, na tinawag ni Sharon si Sylvia sa stage habang kumakanta ng The Greatest Love of All kasama ang mga bagets. Sa naturang video, binanggit ni Sharon kay Ibyang na, “Congrats, I love you, I’ll be here for you, longing deserved than well deserved.” 

Kaya kahit tulog pa si Sylvia kahapon ay talagang kinukulit namin sa text para alamin kung ano ang buong senaryo sa pagpapaakyat sa kanya ng idolo niya sa stage. Ayaw magkuwento ni Ibyang nu’ng una dahil paano raw namin nalaman, kaya sinabi naming may nagpadala ng video clip na tinawag siya ni Sharon sa stage, at saka lang nagkuwento ang aktres. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Alam mo namang fan na fan ako ni Sharon, ‘di ba? Alam mo naman dahil kay Sharon kaya ako nanood ng show niya, hindi ko talaga palalampasin. Pero hindi ko naman in-expect na tatawagin niya ako, sobrang tulala ako, puro ‘thank you’ lang nasabi ko habang nakatayo ako sa harap ng stage. “Bago niya kinanta ‘yung Greatest Love of All, nagkuwento siya na kinausap daw siya ni Ma’am Charo Santos(Concio) na siya ang kumanta ng theme song nga ng The Greatest Love (serye), nagulat ako kasi show namin ‘yun. 

“’Tapos, in-acknowledge niya lahat ng artistang nanood, marami, nandoon nga si Robin Padilla, ‘tapos huli niya akong tinawag. Bago niya tinawag ang name ko, sabi niya, matagal daw akong naghintay at underrated actress ako. Grabe, Reggs, naiiyak na ako sa sinasabi ng idol ko, hindi ako makahinga, ang kabog ng dibdib ko. 

“‘Tapos kinanta na nga niya ‘yung theme song ng The Greatest Love at nu’ng malapit nang matapos, saka niya ako tinawag sa stage. Hayun, inabot niya kamay ko ‘tapos niyakap niya ako. 

“Grabe, nanginginig ako. ‘Yung idol ko tinawag ako sa stage, ‘yung idol ko nayakap ko, ang sarap ng feeling, ganito pala,” masayang kuwento ng aktres. 

Pero nabitin si Ibyang sa yakapan nila ng megastar, kaya pumunta pa siya sa dressing room pagkatapos ng show at saka nagpa-picture ng maraming beses.

“’Di ako nagkamali na naging Sharonian ako at Maricelian, parehong idolo ko naging bahagi ng career ko.” 

Ano naman ang kinalaman ni Maricel Soriano sa career niya, balik-tanong namin sa bida ng The Greatest Love. “Dalawa silang idol ko sa probinsiya pa ako pero path ni Cherie Gil ang gusto ko, ha-ha-ha! Kasi ayaw ko ng api ako gusto ko ako nananampal,” tumawang sabi ni Ibyang.

Susme! --Reggee Bonoan