Tatapusin muna ni Far Eastern University coach Nash Racela ang kanyang commitment sa Tamaraws ngayong UAAP Season 79 bago harapin ang bagong tungkulin na iniatang sa kanya bilang bagong mentor ng Talk N Text sa PBA.

Mismong si FEU athletic director Mark Molina ang nagbigay ng kasiguruhan na hindi pababayaan ni Racela ang Tamaraws na target maitala ang back-to-back title sa UAAP.

“There is no doubt that Nash will honor his commitment with us,” pahayag ni Molina.

“That’s our concern and it was never in doubt if Nash would finish the season with FEU,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kaugnay nito, pormal nang itinalaga si Racela bilang head coach ng Katropa.

Nilinaw din ni Molina na hindi nila haharangin o tututulan ang nasabing appointment ni Racela sa TNT.

“Whatever happens with coach Nash and his career afterwards, to me is a blessing. We will support him all the way. But our focus right now is to finish the season all the way,” sambit ni Molina.

Aniya, hindi naman tuluyang iiwan ni Racela ang FEU dahil handa itong maglingkod sa eskwelahan bilang consultant.

“If Nash gets the TNT position we will do everything in our power to still keep Nash Racela in the FEU organization in whatever capacity he can help us. That’s for sure.” - Marivic Awitan