Muling tataas ang presyo ng langis ngayong linggo.
Sa pagtaya ng industriya, posibleng tumaas ng 20 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina, bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.
Noong Oktubre 18, nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng 60 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel, 55 sentimos sa kerosene, at 45 sentimos sa gasolina. -
Bella Gamotea