Malapit nang makapangisda sa fishing grounds ng pinagtatalunang South China Sea ang mga Pinoy, ngunit may limitasyon pa rin ang mga ito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“We will just wait for a few days baka makabalik na tayo doon sa Scarborough Shoal, ang pangingisda ng ating mga kababayan,” pahayag ni Duterte sa kanyang pagbisita sa Cagayan.

Ang pangingisda sa pinagtatalunang teritoryo ang isa sa mga pinag-usapan ng Pangulo at mga lider ng China, nang bumisita sa Beijing si Duterte.

Gayunpaman, kahit pwede nang mangisda, ipapakiusap umano ng Pangulo na huwag galawin ang breeding grounds ng mga isda upang hindi masaid ang marine resources sa rehiyon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“The cheapest we can buy is the marine products so it behooves upon us to really not to gamble and destroy the spawning grounds because then it would result in an imbalance in our food,” ayon sa Pangulo.

Ang China ay aapela rin sa kanilang mangingisda. “’Yan ang pinag-usapan namin. Ewan ko kung tutuparin nila,” pahayag ni Duterte. - Genalyn Kabiling