Agad nasawi ang isang matandang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang ‘di pa nakikilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police chief Sr. Supt. Rommil Mitra ang biktima na si Elmer Peralta, 63, ng Barangay Rizal ng nasabing lungsod, dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at tagiliran.

Base sa ulat, pasado 10:00 ng gabi nangyari ang pamamaril sa panulukan ng Jacinto St. at Floraville, Bgy. Rizal.

Ayon kay Arnel Alvarez, barangay kagawad, inutusan lang niya ang biktima na bumili ng sigarilyo nang mangyari ang insidente.

National

Trillanes, civil society group kinasuhan ng plunder, graft si VP Sara

Nakasalubong ng biktima, sakay sa bisikleta, ang riding-in-tandem at walang sabi-sabing pinagbabaril ng isa sa mga suspek si Peralta.

Ayon kay Alvarez, posibleng napagkamalang durugista ang walang kamalay-malay na biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)