Malaking bilang ng mga local government unit (LGU) sa mga lalawigan ang nagpahayag ng interes na madagdag sa listahan ng family-oriented at community physical fitness grassroots development program ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN na muling ilulunsad sa Enero.

Ito ang pahayag ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez base sa report ni PSC Planning, Research and Development Department chief Dr. Lauro Domingo Jr.

Samantala’y umabot sa kabuuang 476 katao ang lumahok sa Laro’t-Saya sa Quezon Memorial Circle kabilang ang 13 sa badminton, 28 sa chess, 12 sa football, 10 sa volleyball, 8 na senior citizen at 405 sa Zumba.

Kabuuang 785 naman ang sumala sa Laro’t-Saya sa Luneta ay tampok sa arnis na 16, ang badminton 53, ang chess 63, ang football 20, ang Karatedo 9, ang lawn tennis 28, ang volleyball 21, ang zumba ay 569 at ang senior citizen ay may anim na lahok. - Angie Oredo

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe