Sa kabila ng maigting na kampanya kontra ilegal na droga, tila hindi pa rin nasisindak at natitinag ang mga taong sangkot dito matapos madakip ang isang lalaki na dumayo pa umano para magbenta ng shabu sa Makati City, nitong Sabado ng hapon.

Kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID-SOTG) ng Southern Police District ang suspek na si Arnold Gariango y Santos, alyas “Ronald”, 39, binata, ng No.1853 Oro-B Estrada Street, Barangay 770, Zone 84, Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat na natanggap ni SPD-Public Information Office chief Supt. Jenny Tecson, dakong 4:00 ng hapon ikinasa ng mga tauhan ng DAID-SOTG ang buy-bust operation laban sa suspek sa Kalayaan Avenue, Bgy. Singkamas, Makati City.

Bumili ng isang pakete ng shabu, nagkakahalaga ng P500, ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer mula sa suspek.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi na nakapalag pa si Gariango sa mga pulis matapos niyang iabot ang shabu kapalit ng nasabing halaga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 (Unlawful Sale and Possession of Dangerous Drugs) at Illegal Possession of Firearm and Ammunitions. (Bella Gamotea)