Matapos maalarma sa datos na umaabot sa 300,000 aso ang kinakatay, ibinebenta at kinakain kada taon, hiniling ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na pagtibayin ang kanyang panukala na nagbabawal dito.

Inihain ng lady solon ang House Bill No. 3836 o Anti-Dog Meat Trade Act of 2016 na nagtatakda ng mas mabigat na parusa sa mga kumakatay ng aso para ibenta.

“I refiled HB 3836 in the hope that this time dog lovers in the Lower House will wholeheartedly support it. I am of the impression that a big majority, if not all, congressmen have pet animals, particularly dogs,” ayon kay Herrera-Dy.

Kapag napagtibay, makukulong ng hindi bababa sa anim na buwan at pagmumultahin ng R10,000 ang sinumang huhuli at magbebenta ng buhay na aso.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa mga nagbebenta at bumibili ng karneng aso, sila ay makukulong ng isa hanggang tatlong taon at pagmumultahin ng hanggang P100,000.

Sa mga kakatay naman ng aso para ibenta, makukulong sila ng dalawa hanggang limang taon at pagmumultahin ng hindi tataas sa P250,000. (Charissa M. Luci)