BASE sa mga litrato ng mga artistang dumalo sa 10th Star Magic Ball na ipinost sa social media ay hindi dumalo sina Coco Martin at Julia Montes. Well, si Julia, obviously ay hindi na Star Magic talent dahil two months ago pa siya nagpaalam kina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto para lumipat sa ibang talent manager. 

Nagtatanungan din ang mga katotong na nakasubaybay sa social media habang ginaganap ang Star Magic Ball kung bakit wala si Coco, may taping ba ng Ang Probinsyano?

Wala rin kasi ang Primetime King ng ABS-CBN sa nasabing pagtitipon na taun-taon ay dinadaluhan niya simula nang maging Kapamilya star siya. Bakit ang mga kasamahan niya sa Ang Probinsiyano na sina Arjo Atayde at Pepe Herrera nakadalo? Present din sa event sina McCoy de Leon at Elisse Joson na kasama rin sa aksiyon-serye. 

Sabagay, hindi rin namin nakita si John Prats, o baka naman hindi lang nakunan ng litrato? 

Tsika at Intriga

Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!

Hmmm, baka naman sadyang hindi dumalo si Coco sa Star Magic Ball dahil wala nga si Julia, na alam naman ng lahat na love of his life. Pero, di ba, Bossing DMB, may tsikang break na sila? 

O baka naman nagkabalikan na. O baka hindi na rin Star Magic talent si Coco pareho ni Julia?

(Ms. Thess Gubi ng Star Magic, kailangan ka naming mainterbyu sa lalong madaling panahon, please.... --DMB)

(REGGEE BONOAN)