Ni NORA CALDERON
“YES, Direk Mark, payag ako,” sagot ni 5th District Congressman of Quezon City Alfred Vargas sa offer ng director ng Encantadia na si Mark Reyes na mag-guest siya sa telefantasya. “Na-miss ko rin ang acting, kaya hindi ako tumanggi sa tawag niya. Na-excite ako kasi nang malaman kong gagawin ulit ang Encantadia, nag-wish na akong makasama muli. Hinihintay ko pa ang script, kung ano ang role na gagampanan ko ngayon.”Si Cong. Alfred ang gumanap noon bilang si Aquil na ngayon ay ginagampanan ni Rocco Nacino, katambal si Diana Zubiri na gumanap bilang Danaya na ginagampanan naman ngayon ni Sanya Lopez.
Hindi ba makakaabala sa schedule niya sa Kongreso kapag natuloy ang taping niya sa Encantadia?
“Hindi naman, three times a week lang naman ang trabaho ng isang legislator. Pero bago ako magsimulang mag-taping, kailangan ko munang magpapayat. Nag-lose na ako ng 15 lbs, kailangan ko pang magbawas ng another 15 lbs. Kumuha na ako ng professional trainor at nutritionist at five days a week nagwu-work out ako. Napansin ko kasi noong bata pa ako, in one week kaya kong magpapayat, pero ngayon inaabot ako ng buwan bago makapagbawas ng timbang.”
Ngayon (Lunes, October 24) ang 37th birthday ni Cong. Alfred.
Pero may isang movie na gagawin ni Cong. Alfred na ipinagpaalam na niya sa kanyang constituents, ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na entry niya sa coming CineMalaya Film Festival 2017 mula sa direksiyon ni Perry Escano.
“Nagustuhan ko ang script nang i-present ito sa akin. Tungkol ito sa isang illiterate farmer na nagpanggap na teacher para ang mga bata sa kanilang bayan sa Mindanao ay hindi ma-recruit ng mga bandido bilang child warrior. Magsisimula kaming mag-shooting nito sa November at gusto kong tuluy-tuloy ang shooting para matapos kami agad.”
Two years ago pa ang huling movie na ginawa ni Cong Alfred, ang Separados na New Breed entry sa 2014 Cinemalaya.
Nabanggit ni Cong. Alfred na napakarami nilang artista ngayon na nasa Congress, tulad nina Cong. Vilma Santos-Recto, Lucy Torres-Gomez, Yul Servo, Monsour del Rosario, Edward Maceda, Christopher de Venecia at may binubuo raw silang bill para sa kapakanan ng Filipino films -- na magkaroon ng film quota restrictions sa mga sinehan. Inihahanda na raw nila ito at ipi-present sa Congress once nabuo na nila.