PORT-AU-PRINCE (Reuters) – Nakatakas ang karamihan ng mga preso sa isang kulungan sa hilaga ng Haiti nitong Sabado matapos patayin ang isang guwardiya at nakawin ang mga armas.

Tinutugis na ng mga awtoridad at United Nations peacekeepers ang 174 na pugante. Naglatag ang pulisya ng mga checkpoint sa mga daan mula sa kulungan at idinetine ang ilang tao na walang identity cards. Gayunman, 266 na preso sa Arcahaie prison ay walang uniporme kayat hindi kaagad sila makikilala sa labas.

Nangyari ang pagtakas habang naliligo ang ilang preso. Pinasok ng mga ito ang lugar na pahingaan ng mga guwardiya at ninakaw ang mga armas. Isang guwardiya ang binaril at napatay.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina