Tila wala nang probinsiya na gustong maghost ng Palarong Pambansa.

Una nang umatras ang Negros Occidental at sumunod na din ang probinsiya ng Iloilo na maging host sa kada taon na multi-sports event na inoorganisa ng Department of Education (DEpEd) na 2017 Palarong Pambansa.

Inihayag mismo ni Iloilo Governor Arthur Defensor Sr. ang desisyon na iatras ng probinsiya ang isinumiteng pag-bid para mag-host sa Palarong Pambansa.

Gayunman, ipinaliwanag ni Defensor Sr. na hindi nangangahulugan sa kanilang pag-atras maging host ang kanilang pagbabalewala sa kahalagahan ng sports.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinabi nito na ang paghohost ng Palarong Pambansa ay mangangailangan ng malaking pera mula sa provincial government.

“We have to prioritize important things, like improving health services and constructing roads in the province,” sabi ni Defensor na idinagdag na hindi handa ang Iloilo Sports Complex para gamitin sa Palaro.

Huling naghost ang Iloilo sa Palarong Pambansa noong 2005.

Matatandaan na una nang umatras ang Province of Negros Occidental dahil sa kawalan ng tulong para sa pagsasaayos ng mga pasilidad mula sa DepEd.

Tanging ang Antique na lamang sa Western Visayas ang nananatiling umaasam na maging host ng torneo. Ang ibang nagnanais maisagawa ang palaro ay ang Cebu City, Cebu at Tacloban City, Leyte.

Samantala’y umaasa naman si Antique Governor Rhodora Cadiao na susuportahan ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang kanilang pagnanais maging host ng Palarong Pambansa sa susunod na taon.

Ipinaliwanag ni Cadiao na ang DepEd secretary ay mula mismo sa Antique province kung kaya umaasa ito na tutulungn maisagana sa probinsiya ang national sporting event.

“We really consider hosting the Palaro as an opportunity to showcase Antique and at the same time for the local people to gain from its economic benefits,” sabi ni Cadiao.