WASHINGTON (Reuters) – Naglayag ang isang United States Navy destroyer malapit sa mga islang inaangkin ng China sa South China Sea nitong Biyernes, at kaagad namang nagbabala ang mga Chinese warship na lisanin ng barko ng Amerika ang lugar.

Ang ginawa ng Amerika ang huling pagtatangka ng bansa upang tutulan ang itinuturing ng Washington na pagpupursige ng Beijing upang limitahan ang malayang paglalayag sa lugar, ayon sa isang opisyal ng Amerika.

Tinawag naman itong “illegal” at “provocative” ng Chinese Defense Ministry, sinabing binantaan ng dalawang Chinese warship ang U.S. destroyer upang lisanin ang lugar.

Hinamon ng guided-missile destroyer na USS Decatur ang “excessive maritime claims” malapit sa Paracel Islands, na sumasaklaw sa maliliit na isla at bahura na nakikipag-agawan ng China sa mga kalapit-bansa nito, ayon sa opisyal na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Inaasahan nang ikagagalit ng Beijing ang huling pagpapatrulyang ito ng Amerika sa pinag-aagawang lugar at malaki ang posibilidad na magpalala sa tensiyon sa South China Sea. Naglayag ang US destroyer sa mga bahagi ng karagatan na mismong inaangkin ng China, malapit ngunit hindi sakop ng 12-nautical-mile territorial limits ng mga isla, ayon sa opisyal.

Inihayag naman ng Pentagon na ang Decatur “conducted this transit in a routine, lawful manner without ship escorts and without incident.”

Kinumpirma ng White House ang ulat na ito.

“This operation demonstrated that coastal states may not unlawfully restrict the navigation rights, freedoms and lawful uses of the sea that the United States and all states are entitled to exercise under international law,” sinabi ni White House Spokesman Josh Earnest sa news briefing.

Ang ikaapat na pagpapatrulya ng United States sa South China Sea simula noong nakaraang taon, ito ang huling paghamon ng Amerika sa China ilang araw makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing ang “separation” niya mula sa Washington at pagbaling sa China.

Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing kaalyado ng Amerika sa Asia at isa sa mga kaagawan sa teritoryo ng China.