lovi_please-use-this-copy

MASAYANG-MASAYA si Rocco Nacino nang muling pumirma ng panibagong three-year exclusive contract sa GMA Network noong Thursday, October 20. 

Pangatlong beses na itong pagpirma ng contract ni Rocco sa Kapuso Network simula nang tanghalin siya bilang second prince sa Starstruck 5 six years ago. 

Kapansin-pansin na sa limang winners noon, sila na lamang ni Diva Montelaba ang naiwan sa GMA 7. Wala na kasi ang mga ultimate winners na sina Sarah Labhati at Steven Silva at ang nanalong first prince na si Enzo Pineda. Sa kanilang lima, masasabing si Rocco rin ang nagtuluy-tuloy ang career, sa movies and television, nakapag-shows na abroad, at recently ay very successful ang Oh, Boy! na pinagsamahan nila ng kapwa hunks niya sa GMA na sina Aljur Abrenica, Derrick Monasterio, at Jake Vargas. 

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ayon kay Rocco, magkakaroon ng regional shows ng Oh, Boy! at next year, dadalhin naman nila sa iba’t ibang bansa.

Napansin din namin na kakaiba ang saya ni Rocco ngayon at lahat ng mga tanong, sinagot niya. Maging ang tungkol sa kanyang love life, open na rin siya. Hindi niya ikinaila na naka-move on na siya sa break-up nila ni Lovi Poe, na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap simula noon.

Gayunpaman, masaya si Lovi nang malamang may ibang girl nang nali-link sa kanya at nagsabing, “kung totoo ‘yon, I’m happy for him.” 

Inamin ni Rocco na in-unfollow na niya sa social media si Lovi, at wala siyang balak na mag-usap pa sila, dahil wala na siyang napi-feel towards her.

“Alam ko na po noon na hindi siya para sa akin, kaya kung talagang mahal mo ang isang tao, it’s better to let her go,” sagot ni Rocco. “Saka mas happy na ako ngayon.”

Paano siya naka-move on, at maging open nang pag-usapan ito gayong noon ay iniiwasan niya itong pag-usapan?

“Sabihin na lamang po nating nagawa ko iyon dahil that time, naging busy ako sa Encantadia, natulungan ako ng mga kasama ko na mag-concentrate sa project at nakakita ako ng mga bagong friends sa kanila. Kahit noon pa naman ay magkakakilala na kami, pero iba ang naging bonding ko sa kanila ngayon.”

Hindi ikinaila ni Rocco na may bahagi sa pagbabago niyang ito ang bago niyang ka-love team na si Sanya Lopez, na gumaganap bilang Danaya at siya naman si Aquil. 

“Si Sanya po ang nandoon when I was on my lowest point, isa siya sa mga kinapitan ko noon.”

Liligawan ba niya si Sanya? 

“Kung dumating na sa point na iyon, ready na ako. Natutuwa ako sa eagerness niya to learn, at naroon naman ako para tulungan siya, lalo na sa fight scenes namin. Lagi kong sinasabi sa kanya na ituturo ko sa kanya kung ano ang gagawin niya at nagagawa ko namang tulungan siya kapag magkasama kami sa eksena o kung naroon ako sa set namin. Masayahin si Sanya at nahahawa ako sa pagtawa niya.”

Sa ngayon, bukod sa Encantadia ay busy rin si Rocco sa limang business na minama-manage nila ng kanyang mga kaibigan.

Dalawa na ang branches niya ng Elorde Gym, meron siyang sariling restaurant, ang Rufo’s na backyard restaurant at fusion ng Filipino at Singaporean dishes na Laksa ang specialty.

Kasama sa bagong plano ni Rocco ang makagawa ng sariling recording album. Makikipag-usap siya sa GMA Records at hihingi ng kanilang suggestions. (NORA CALDERON)