102216-rape-victim-malabon-aran_as-18-copy

Galit na galit at nagdadalamhati ang mga magulang ng 7-anyos na babae matapos umanong halayin at patayin ng isang pedicab driver na umano’y lango sa ilegal na droga sa loob ng isang sementeryo sa Malabon City, nitong Biyernes ng gabi.

Basag ang bungo at wala nang saplot ang biktima na itinago sa pangalang “Lanie”, nang datnan sa loob ng Tugatog Public Cemetery sa kahabaan ng Dr. Lascano Street, Barangay Tugatog, dakong 9:30 ng gabi.

Sa follow-up operation, dakong 11:00 ng gabi, nadakip ang suspek na si Jay-Ar Payawal, 30, sa loob mismo ng kanyang bahay sa Arceo St., Bgy. Tugatog, Malabon City.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Ayon kay SPO1 Rolando B. Hernando, bago ang panghahalay, nakipag-inuman pa ang suspek sa ama ng biktima, kasama ang ilan pang kaibigan, pasado 6:00 ng gabi.

Umalis umano sa inuman si Payawal para gumamit ng shabu sa kanilang bahay hanggang sa nakita ng ilang residente na kasama ng suspek ang biktima at pumasok sa loob ng sementeryo.

“Hinanap nung mother n’ya ‘yung victim hanggang sa may nagsabing kasama daw ng suspek na nagpunta sa sementeryo,”ani SPO1 Hernando.

Kaagad umanong pinuntahan ng kanyang mga magulang ang biktima hanggang sa tuluyang nakita ang bangkay.

(Orly L. Barcala)