Nagpahayag ng pangamba ang isang opisyal ng maimpluwensyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa kalagayan ng overseas Filipino workers (OFWs) matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na humihiwalay na ang Pilipinas sa Amerika.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (ECMIP), umaasa pa rin siyang matapos putulin ng Pangulo ang relasyong pulitikal at ekonomiya sa Amerika ay mapapanatili pa rin nito ang matagal na nabuong matibay na relasyon at kalayaan ng mga Filipino community sa Estados Unidos.

Nanghihinayang ang Obispo lalo na para sa Filipino community sa Amerika na maituturing na ikalawa sa pinakamaraming populasyon ng mga Asyanong naninirahan sa US.

Batay sa 2010 US Census of Major Racial and Ethnic Groups, nasa 3.4 na milyon ang bilang ng mga Pilipino doon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

(Mary Ann Santiago)