Matapos ang mahabang paghihintay ay makakamit na rin ng mga pambansang atleta ang kanilang hinihintay na insentibo sa pagbibigay dangal international sa bansa.

Ipapamahagi bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kabuuang P3.5 milyong sa mga atletang nagwagi at nagbigay karangalan sa bansa sa kanilang paglahok sa iba’t ibang internasyonal na torneo tulad sa World Chess Olympiad, 2016 Rio Paralympics at Asian Beach Games.

Ang mga atleta ay mabibiyayaan ng bagong pasa na batas na Republic Act 10699 base sa kani-kanilang kategorya.

Isasagawa ang pagbibigay ng insentibo Lunes matapos lamang ang flag-raising ceremony ng ahensiya sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Base sa batas ay nakatakdang tumanggap ang gold medalist ng P250,000 habang P125,000 sa pilak at P50,000 sa tanso sa paglahok sa kada dalawang taong torneo.

Pinakamalaki ang makakamit ni Paralympics athlete Josephine Medina na isang milyong piso matapos na makapag-uwi ng tansong medalya sa ginanap na torneo sa 2016 Rio De Janeiro.