BERLIN (AP) – Inaprubahan ng German lawmakers ang panukalang batas na nagpapahintulot sa foreign intelligence agency ng bansa na tiktikan ang mga institusyon ng European Union at kapwa EU member states.

Ang panukalang batas na pinagtibay noong Biyernes ay bahagi ng mga hakbang na naglalayong mapabuti ang pamamahala sa espionage sa gitna ng pagbubunyag ng dating U.S. National Security Agency contractor na si Edward Snowden.

Isang panel ng independent judge ang kailangang impormahan kapag tiniktikan ng BND spy agency ang mga kaalyado ng Germany. Magkakaroon din ng karapatan ang mga hukom na magsagawa ng spot checks sa trabaho ng ahensya.

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage