jay-z-copy-copy

NOMINADO si Jay Z, isa sa mga kilalang lyricist at entertainer sa contemporary music, sa 2017 Songwriters Hall of Fame, at kung kikilalanin at mananalo ay siyang magiging unang rapper na makapasok sa prestihiyosong music organization.

Unang rapper si Jay Z na naging nominado para sa 2017 Songwriters Hall of Fame.

Binigyan ang The Associated Press ng Songwriters Hall ng listahan ng mga nominado noong Huwebes, isang araw bago ang opisyal na paghahayag ito. Ang iba pang nominado ay sina George Michael, Madonna, Bryan Adams, Vince Gill, Babyface, Max Martin, Kool & the Gand at marami pang iba.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Maaaring bumoto ang mga kuwalipikadong miyembro ng tatlong non-performing songwriter at dalawang performing songwriter hanggang Disyembre 16. Limang songwriter o songwriter group ang opisyal na kikilalanin sa gala sa New York sa June 15, 2017.

Ang iba pang mga performing nominee ay sina Cat Stevens, Sly Stone, Chicago, Gloria Estefan, Jeff Lynne at David Gates. Ang mga non-performing nominee naman ay sina Kenny Nolan, Randy Goodrum, Tony Macaulay, William “Mickey” Stevenson, Allee Willis, Maury Yeston, Paul Overstreet at ang songwriting duos Jimmy Jam at Terry Lewis, Dan Penn at Spooner Oldham, at Steve Barri and ang yumaong si P.F. Sloan, na pumanaw noong nakaraang taon. (AP)