KAPANALIG, kahit may nangyayaring bangayan sa hanay ng ating mga pinuno, may nangyayari sa ibaba, sa grassroots, na dapat nating ikatuwa. Ito ay nagpapakita lamang na hindi dapat iasa ng mga mamamayan ang kanilang kapalaran sa mga pangako ng mga pulitiko.

Isa rito ang patuloy na paglago ng domestic trade. Ayon sa paunang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang domestic trade ng bansa ay lumago ng halos 40% noong ikalawang bahagi ng taon. Umabot ito sa P158. 71bilyon. Ang pinakamataas na antas ng paglago ay sa National Capital Region (NCR), kung saan umabot ng 19.5%, o katumbas ng P31 bilyon. Sinundan ito ng Western Visayas, na nasa 13.7% o P21.67 bilyon.

Ayon naman sa Labor Force Survey noong Hulyo, bumaba ang antas o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, sabay ng paglago ng sektor ng industriya at serbisyo. Mula 6.5% noong Hulyo 2015, naging 5.4% ito noong Hulyo 2016. Mula 2.7 milyong Pilipinong walang trabaho, bumaba ito sa 2.3 milyon. Nagkaroon ng limang daang karagdagang trabaho.

Patuloy ding namamayagpag ang manufacturing industry sa bayan. Ang volume of production index (VoPI) ay lumalago ng 10.1% kada taon, kahit pa mahina ang demand ng ibang bansa sa ating mga produkto. Nitong Agosto lamang, ang mga factory ng ating bansa ay nadaig pa ang mga ibang bansa sa Southeast Asia base sa purchasing managers’ index (PMI), isang sukatan sa manufacturing sector na saklaw ang limang salik: output, employment, suppliers’ delivery time, at stocks of purchases. Ang PMI na mahigit pa sa 50 puntos ay nagpapakita ng pagbuti ng kondisyon para sa negosyo. Nasa 55.3 ang PMI ng Pilipinas, pinakamataas sa pitong bansang kasama sa survey para sa PMI. Mas mataas din ito sa regional average.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang paglago ng mga sektor na ito ay nagpapakita sa atin na kahit ano pa man ang ingay sa taas ng hirarkiya ng lipunan at social media, marami pa ring Pilipino ang tahimik na nagsisipag at nagpapatuloy pa sa pag-unlad ng ekonomiya. Sinasalamin nito ang resulta ng huling Pulse Asia survey kung saan pagtaas ng sweldo at trabaho ang nais tutukan ng nakakaraming Pilipino ngayon.

Ang mga ito ay isa sa mga “signs of the times” na dapat nating bigyang-pansin. Ang mga balitang ganito, na puno ng pagpupunyagi at tahimik na kabayanihan ng karaniwang Pilipino ang dapat makita sa ating mga headline at trending topic. Ang kasipagan na ito ay consistent, at nagpapaigting pa at nagsusulong ng mga maayos na polisiyang pang-ekonomiya. Dito may buhay. Ito, dapat tularan.

Sa ganang ito, may akmang pahayag ang “Economic Justice for All,” mula sa US Conference of Bishops. Mabuti na pagnilayan natin ito dahil kung patuloy ang bangayan, baka masira pa ang momentum ng paglago: “The quality of the national discussion about our economic future will affect the poor most of all, in this country and throughout the world. The life and dignity of millions of men, women and children hang in the balance. Decisions must be judged in light of what they do for the poor, what they do to the poor, and what they enable the poor to do for themselves. The fundamental moral criterion for all economic decisions, policies, and institutions is this: They must be at the service of all people, especially the poor.”

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)